any

Magsasaka, Kinagat at Tinaga ng isang Unggoy


Isang magsasaka ang kinagat at tinaga ng isang unggoy matapos sya talunan at agawan ng dala nitong itak.



Ayon sa kwento ng magsasaka na si Jeff na taga Maripipi Island, Biliran, masama umano ang tingin sa kanya ng unggoy at agad sya nitong tinalunan.





Nang tumalon ang Unggoy kay Jeff, natumba si Jeff at kinagat ang kanyang hitaat pilit umanong inagaw ng unggoy ang dala nitong itak.




Sa sobrang galit ng unggoy ay dalawang beses nito tinaga ang magsasaka sa daliri at sa sobrang takot ni Jeff ay akala nya na mapapatay na sya nito.






“Masama yung titig niya sa akin. Pagkatalon niya kinagat niya ang hita ko. Natumba ako. Sunod niyang inagaw ang itak ko! Dalawang beses niyang initak ang daliri ko! Takot na takot ako kasi akala ko papatayin na ko ng unggoy na ‘yun!”-saad ni Jeff.


No comments