any

Mag-Nobyo, Viral matapos makaipon ng 1 Million mula sa Inipon nilang Barya


Trending sa social media ang dalawang mag-nobyo matapos silang makaipon ng isang milyong barya.


Marami ang humanga kay Yona Abella at Kit Cunanan dahil sa kanilang diskarte sa buhay na naging inspirasyon ng mga netizen.

Ayon sa Facebook post ni Abella, ang makapag-ipon ay isa lamang sa kanilang napakaraming 'relationship goals'. Ngunit hindi lang maliit na halaga ng pera ang binalak nilang ipunin, kundi isang milyong piso.


Ang isa pang nakabibilib sa naging istilo ng dalawa ay ang pagdesisyon nilang huwag ito gawin sa simpleng paraan, kung saan papel na pera ang kanilang itatabi. Bagkus, pinili nilang gawin ito gamit ang mga barya.


Nangako umano silang lahat ng mga baryang matitira sa bulsa nila kada araw ay mapupunta sa kanilang ipon kahit magkano pa ito.

Ani Abella, walang isang milyon kung walang mga baryang tulad ng mga inipon nila.


Payo nya sa mga gustong makaipon, maghanap ng 'ipon buddy' para mas mapursiging makaipon. Bukod pa doon, mas mapapabilis ang pag-iipon ng malaking halaga kung may kasama.

2 comments:

  1. Mapera kasi kayo at may kayang pamilya
    Hndi kayo ordinaryong tao
    Kaya umabot milyon naipon nyo

    Hndi kayo naghihirap
    Kung maherap lang kayo hndi yan ma abot nang milyones

    ReplyDelete
  2. Kayang Kaya talaga ninyo Yan Lalo di kau lageng gipit .. kami maka ipon nga pero pag Walang Wala na talaga kaming pang gastos na gagalaw namin Lalo pag may emergency na pav gagamitan ..

    ReplyDelete