Mag-asawang nakatira sa jeep, naluha sa tulong na ibinigay ng programa ni Angel Locsin
Isa ang jeepney driver na si Jimmy Escalante at misis nitong si Emilia sa mga nabiyayaan ng programa ni Angel Locsin na 'Iba Yan.' Nalaman ng KAMI na dalawang taon nang naninirahan ang mag-asawa sa loob ng jeep na minamaneho ng mister. Mas lalong naging mahirap ang kanilang kalagayan nang malagay sa community quarantine ang Metro Manila na siyang naging hudyat ng kanilang tigil pasada hanggang ngayon.
Dahil sa mga pangyayaring ito, hiling na lamang ng mag-asawa na makabalik sa kanilang tahanan sa Rizal. Tutuntong na rin kasi ng 60-anyos si Mang Jimmy kaya nais na rin sana nitong magretiro ng maayos. Lingid sa kaalaman ng mag-asawa na inaayos na ng programang 'Iba Yan' ang kanilang bahay sa Rizal. Bukod pa rito, binigyan din sila ng sari-sari store at iba pang mapagkakakitaan para hindi na rin aalis para maghanapbuhay pa si Mang Jimmy.
Kaya naman nang dalhin na sila ni Angel Locsin sa kanilang 'bagong bahay' halos hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang nakita. Tila nagdalawang-isip pa ang mga ito kung tama nga ba ang napuntahan nilang bahay dahil malayo na ang itsura nito noong iniwan nila itong puro tambak lang ng kanilang gamit.
Lalong naging emosyonal ang mag-asawa nang ipakita na ni Angel ang sari-sari store na siya nilang magiging negosyo. Mayroon din silang mga siomai pang-merienda na kanila ring ibebenta bilang karagdagang kita bukod pa sa tindahan nila.
Walang tigil sa pag-iyak ang dalawa lalo na ang misis ni Jimmy na labis-labis ang pasasalamat sa mga biyayang kanilang tinatamasa. Sobra-sobra silang nagpapasalamat sa programa ni Angel Locsin na siyang naging daan upang maging maayos ang kanilang pamumuhay.
Ang 'Iba Yan' ay isang programa ng Kapamilya Network kung saan host ang aktres na si Angel Locsin. Tunay na nababagay ito sa tinatawag ng marami na "real-life Darna" na noon pa man ay kilala na sa kusang loob na pagtulong sa mga Pilipino. Isa si Angel sa tahimik na tumutulong sa mga sa iba't ibang paraan na kanyang makakaya sa laban ng bansa kontra COVID-19.
Godbless Angel Locin
ReplyDeleteIba ka talaga miss angel locsin kya idol kita noon po,npakabuti ng puso mo para sa mga nangangailangan,god bless
ReplyDeleteMabuhay ka miss angle locsin, sna mdmi kpng mtulungang tau n ngangailangan n tulong lalong lao n ung kapus palad ntin kapwa mamamayan,
ReplyDeleteKay buti ng iyun kalooban ms angel locsin Godbless po .mabuhay po kayo
ReplyDeleteI salute you idol god bless
ReplyDeleteGod bless you Ms. Angel Locsin..
ReplyDelete.
Amazing naman at ganyan ang kalooban ni Ms Angel good citizen na marunong dumamay sa mga katulad nating mahirap. Saludo ako sa iyo. At God will always protect you n your family.
ReplyDeleteGod bless Lodi tlagang ang kagandahan mo dlng sa labas tagos hanggang sa loob maraming salamat at may mga tao png katulad mo sanay dumami p ang ktulad mo...
ReplyDelete