any

Mag-Asawang matanda, Hawak- Kamay na Pumanaw dahil sa COVID-19



Mag-asawang senior citizen, magkahawak kamay na pumanaw dahil sa sakit na COVID-19.


Magkatabi at magkahawak-kamay na binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease ang mag-asawang senior citizen sa United States.

Ayon sa ulat ng CBS-owned KTVT, 53 taon nang kasal ang high school sweethearts na sina Curtis at Betty Tarpley.

Sabi ng anak nilang si Tim, si Betty, 80, ang unang kinapitan ng virus at ito rin ang unang pumanaw sa sakit.

Wala pang isang oras ay nalagutan naman ng hininga ang ama niyang si Curtis, 79.

Kuwento ni Tim, na-confine ang mag-asawa sa iisang ospital pero magkaiba sila ng kuwarto.

Isang doktor o nurse daw na si Blake mula sa Texas Health Harris Methodist Hospital ang tumulong sa kanyang ina, na nagsabing handa na itong mamatay, para mailipat sa kuwarto ng kanyang mister.


“It was some doctor or nurse named Blake… that’s all we knew about him. He really went out of his way to get my mom moved from her room to his room. And then they just placed their hands, near each other, and next thing we know they grabbed each other’s hands. And that’s how they went,” sabi ni Tim.

No comments