Mag-Asawang Magka-Angkas, Dala ang Wedding Picture Bilang Patunay


Dinala ng mag-asawang ito ang kanilang Wedding Picture para ipakita na mag-asawa sila at hindi hulihin sa kalsada ng mga enforcer.


Noong ipinatupad ang community quarantine, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang pag-angkas sa motor para na rin sa kaligtasan ng mga tao.

Kanya-kanyang diskarte naman ang mga Pinoy sa panukalang ito. Kinagiliwan ng mga netizens ngayon sa social media ang larawan ng isang mag-asawang magka-angkas sa motor.


Sa Facebook post ng page na Di Umano, kita ang magka-angkas na mag-asawa na may dala pang kopya ng marriage certificate at malaking wedding picture nila na naka-frame bilang patunay na mag-asawa talaga sila.

Nitong Huwebes ng umaga ay inanunsyo na ng Department of Interior and Local Government na sa Biyernes ay papayagan nang magka-angkas ang mag-asawa sa motorsiklo.


Sabi ni Interior Secretary Eduardo Ano, ang mga mag-asawa at live-in partners muna ang papayagan na magka-angkas dahil sa iisang bahay lang din naman umuuwi ang mga ito.

 Subalit, sabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan ng ID o kopya ng marriage certificate upang magsilbing katibayan na mag-asawa talaga sila.


1 comment: