any

“Ma uwi ka na sa ‘Pinas, ako naman magtatrabaho,”


Pinapauwi na ng Tourism Gradute kanyang ina na isang OFW matapos nitong makapag-tapos ng Kolehiyo.

Ayon sa mensahe na sulat ni Minerva Jane Borca sa kanyang Graduation Picture, gusto na umano nitong pauwiin ang kanyang Ina na isang Ofw dahil mula bata pa itong si Minerva ay nagtrabaho na ang kanyang Ina bilang Ofw sa Oman.


“Ma uwi ka na sa ‘Pinas, ako naman magtatrabaho,”- saad ni Minerva.

Umalis ang kanyang Ina na si Mari Fe noong 2012 para magtrabaho sa Muscat, Oman bilang Domestic Helper, para mabigyan ng magandang buhay sila Minerva.


“Mabuti pa ‘yung sahod buwan-buwan umuuwi ng ‘Pinas,”- saad ni Maria Fe

Ang pagtatrabaho ng Ina ni Minerva ang nag-udyok sa kanya para mag-aral ng mabuti at makapag-tapos ng kolehiyo.


Sa sobrang hirap magtrabaho sa ibang bansa ay di nakakakain sa oras ang kanyang Ina kaya gusto nya na talaga umuwi ang kanyang Ina.

"Ne, sobrang nakakapagod dito, wala pa’kong kain nagkape lang ako,”- sabi ni Maria Fe sa kanyang anak na si Minerva


Gusto ng pauwiin ni Minerva ang kanyang Ina para sya naman ang magtrabaho para dito, para din masuklian nya ang paghihirap ng kanyang Ina sa ibang bansa.

No comments