any

Lolo, Humihingi ng Tulong na Makauwi dahil sa Iniindang Sakit


Isang matandang lalaki ang nakahiga lang umano sa sahig at may katabing karatula na nagsasabing gusto na umano umuwi ng matanda sa kanilang lugar dahil ilang araw na umano itong di kumakain at may iniinda pang sakit.




Humihingi ng tulong si Tatay Jose Real Cuzman na 74-anyos na taga Lucatanjay, Negros Oriental para makauwi na sa kanila na ngayon ay nasa overpass sa Brgy. Pinagsama Taguig City.





Ayon umano sa nagpost na si Alfredo Maluyo Jr., nakita nya ang matandang si Tatay Jose na nakahiga katabi ang karatula sa ilalim ng overpass.

Ayon sa kwento ng matanda ay dalawang araw na umano sya hindi kumakain at nauulanan pa dahil walang maayos na masisilungan.

Nanghihina umano ang matanda dahil may iniinda itong sakit sa tagiliran, kaya gusto nyang umuwi sa Negros.





Ito ang Post ni Alfredo Maluyo Jr.,

"Sa mga kababayan kung handang tumulong, tulungan po sana natin si Tatay JOSE REAL CUZMAN na taga LUCATANJAY NEGROS ORIENTAL, nakita ko po sa overpass si tatay dito po sa BRGY.PINAGSAMA TAGUIG CITY na nakahiga lang po sa sahig kasama ang plaka. Dalawang araw na po daw syang hindi kumakain at laging nauulanan sabi ng mga nagtitinda sa gilid, ang gusto lang ni Tatay JOSE ay makauwi sa kanila. SA MGA MAY GUSTONG TUMULONG PAKI SHARE KUNG SINO MAN MAY NAKAKAKILALA SA KANYA O SA PAMILYA NIYA OR GUSTONG MAGBIGAY NG DONATION PARA SA PANGKAIN AT GAMOT NYA, NAKAKAAWA PO SI TATAY KINAUSAP KO SYA AT HINDI SYA MAKAPAGSALITA AT SABI NG MGA NAGTITINDA AT NAKAKAKITA AY MAY MASAKIT DAW SI TATAY SA KANYANG TAGILIRAN, NANGHIHINA SI TATAY, INAALALAYAN SIYA NGAYON NG MGA NAGTITINDA SA GILID GILID NG OVERPASS. BINIGYAN KO POSYA NG KAUNTING TULONG PERO ALAM KONG DI PO SAPAT YUN PARA SA PANGKAIN NYA SA ARAW NA ITO, NAKIKITA KO SA MGA MATA NI TATAY AT LUNGKOT AT SAKIT, NAGBABASAKALI PO AKO NA SANA MATULUNGAN PO SANA NATIN SI TATAY.


MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA TUTULONG.

GOD BLESS

PAKI SHARE PO SA LAHAT MARAMING SALAMAT."


No comments