any

Lola, Inalala ang Mister na yumao na sa mga Love Letter nito


Isang lola na biyuda na umano ang inaalala pa rin ang asawa na pumanaw na at naitago pa nito ang mga love letter na binigay sa kanya nito.



Hindi raw umano makakalimutan ni Lola Cita 84-Anyos ang kanyang mister, dahil naitago pa nito ang mga love letter ng kanyang umaong asawa na may petsang 7/23/63.



Sa limangpu't pitong taon ay naitago nya ang mga love letter na ito, at kapag nakikita at nababasa nya umano ito ay nananariwa umano sa kanya ang panahong magkasintahan pa lamang sila nito.



Ito ang ilan na linya na mababasa sa love letter ni Lola Cita,

"Tanging sa iyo mahal ko,

Sa mga sandaling ito, ikaw ay panauhin sa aking isipan. Kahit na ano man ang gawain ko, hindi kita nakalilimutan. Sa labis na pagmamahal ko sa iyo at ang sagot mo sa akin na ako at ako lamang, ako'y isa na sa mga pinakamaligaya na nilalang sa buong daigdig."


No comments