Lalaki sa India, Nagpagawa ng Facemask na gawa sa Gold


Isang lalaki sa India ang nagpagawa ng gold na face mask para proteksyon sa kumakalat na COVID-19.


Bilang pag-iingat sa kumakalat pa ring COVID-19 pandemic, isang lalaki ang gumastos pa ng halos $4,000 (o P197,448) para makapagpagawa ng gold face mask.

Ayon sa businessman na si Shankar Kurhade, 49, may bigat na 60 grams ang naturang face mask na tinapos pa sa loob ng walong araw.


Kahit hindi raw siya sigurado kung epektibo ang paggamit nito, ginagawa naman daw niya ang iba pang pag-iingat sa virus.


Sa tuwing lumalabas, bukod sa mga suot na gold jewelry gaya ng kwintas, bracelet at singsing ay masaya raw niyang suot ang kanyang halos 1 kilong bigat na face mask.


Kwento ni Kurhade, marami raw ang nagpapa-picture sa kanya sa tuwing lumalabas dahil tila namamangha raw ang mga tao sa suot na mask.

Maging sa palengke ay pinagtitinginan daw siya ng mga mamimili.

Samantala, naitala naman ang India na mayroon nang 650,000 kaso ng COVID-19 at mahigit 18,600 bilang ng mga nasawi.

No comments