any

Kidlat na nakabuo ng Pangalan ni Jesus, Nakuhanan sa Nueva Ecija


Mga larawan ng kidlat na tila ba iginuhit ang pangalan Ni Jesus ang nakuhanan ng isang netizen sa Nueva Ecija.

Tampok sa social media ngayon ang litratong kuha ng isang netizen nang magkaroon ng malakas na pagkulog at pagkidlat sa Nueva Ecija.


Nalaman na bandang alas-8 ng gabi ay kakaibang thunderstorm ang namataan ng netizen sa Brgy. Balingog East sa Guimba.

Ayon sa Facebook post, dahil sa pagkabighani ni Jesstine Mateo Nilo sa kidlat ay kinuhaan niya ito ng video. Matapos niyang makuhaan ng video ito, pinagsama-sama niya ang screenshot nito at nabuo niya nga ang pangalan ni “Jesus.”


Ito ang kanyang Post,

"I had the chance to witness last night's breath-taking thunderstorm. First time ko makakita ng tuloy-tuloy na pagkidlat. Since wala namang ulan, I had the opportunity to record it. Upon reviewing the video kanina, napansin ko itong mga 'to, so I compiled them.


(Video sa comment section).

🎶When the oceans rise and thunders roar

I will soar with You above the storm

Father You are King over the flood

I will be still know You are God."


No comments