any

Karla Estrada, Namigay ng tulong sa mga Nasunugan sa Quezon City


Noong July 7, nagkaroon ng sunog sa Barangay Talipapa, Quezon City kung saan 200 Pamilya ang nawalan ng bahay at pag-aari. Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang nakatira sa covered court ng naturang barangay.

Sa pangyayaring iyon, maraming pamilya ang lalong nahirapan dahil nawalan na ng pagkakakitaan ang iba dahil sa pandemya, nasunugan pa sila. Ang mga apektadong pamilya ng sunog ay humihingi ng tulong sa mga taong may magandang kalooban.



Agad namang nagbigay ng tulong ang singer at TV host na si Karla Estrada, sa kanyang Instagarm Acoount ibinahagi nito ang mga larawan kung saan nagbigay ito ng relief goods para sa mga Pamilyang nasunugan.


Pumunta si Karla Estrada sa Barangay Talipapa noong July 9. Kahit nakasuot ito ng Facemask ay batid sa kanyang mukha ang kanyang kasihayan sa pagtulong.


Nagbigay ng mensahe si Karla sa mga pamilyang nasunugan,

“Mapagpalang Umaga sa aking mga mahal na momshies, popshies, at anakshes ng Brgy talipapa QC. Sana ay naibsan ng kahit konti ang lungkot at pag aalala ninyo.. Dasal ko ang muli ninyong pagbangon at pag kami ng Magandang Buhay muli.”



Humingi din ng tulong sa iba si Karla Estrada na tulungan din ang mga biktima ng sunog.

“Sila po ay nasunu6an, sana ay mabigyan po sila agad ng pag titirhan.ako po ay tutulong sa Abot ng aking makakaya. 07-09-2020.”

No comments