any

John Regala' Napag-alaman na ilang araw nang ‘di makakain dahil sa liver cirrhosis.


Napag-alaman na mayroong iniindang liver cirrhosis ang aktor na si John Regala. Ito’y matapos mag-viral ang litrato ng batikang kontrabida na namataang naghihintay ng tulong-medikal sa Barangay 183, Pasay City.


Kuwento ng netizen na kumuha ng nasabing litrato na si Carlo Marti Clariza, nahihilo raw ang aktor nang madaanan niya itong nakaupo sa bangketa. “May hinahanap siya na nurse.

 Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken,” lahad ni Clariza, isang food delivery driver. 


Sa panayam ng GMA News, kinumpirma ng aktor na siya nga ang nasa viral photo at sinabing hinihintay niya noon ang kaibigang nurse na magbibigay sa kanya ng gamot. Nakapanayam din sa ulat si Rose Villajin, barangay health officer na pinagsabihan ni Regala ng tungkol sa kanyang karamdaman.


 “Tinanong ko, ‘Sir ano po ba ang problema?’ ‘Ma’am, may liver cirrhosis po ako, may tubig po ang tiyan ko, bloatedness po ako at hindi po ako kumakain ng 15 days,’” saad ni Villajin. 

John Regala speaks up on viral 'stroke' photo | PUSH.COM.PH: Your ...

Isiniwalat din ng aktor na bukod sa liver cirrhosis ay problemado rin siya sa pera at sa kanyang pamilya. Labis din umano siyang naapektuhan sa pagpanaw ng inang si Ruby Regala, dati ring aktres, nito lamang Enero.

 Pansamantalang tumutuloy ngayon ang aktor sa pangangalaga ng isang “leader” ng Iglesia ni Cristo na hindi niya na pinangalanan. 


Sinabi rin ni Regala sa panayam naman ng DZRH, na nakatanggap siya ng tulong mula sa mga kaibigan sa industriya tulad nina dating Pangulong Joseph Estrada at Rez Cortez. Umaasa naman ang aktor na makabalik sa pagtatrabaho.

2 comments:

  1. pano po ung hinde pa nakakatanggap ng sap tapos ung iba makakakuha na ng pangalawang ayuda

    ReplyDelete