any

Isang Lalaking PWD, Determinadong Maghanapbuhay para sa Pamilya


Nagpabilib ang isang PWD dahil kahit may kapansanan ay masipag itong naghahanapbuhay para sa kanyang Pamilya.

Ang larawan ay kuha ni Ley Castillo na may caption na "Anong sabi mo? Mahirap ung trabaho mo? K. PS. ParaƱaque friends, pag makita nyo cya bili kayo ng tinda nya, kinse pesos ung isang pack ng kropek. Tulungan n lang tayo."


Mapapansin ang isang PWD na putol ang kaliwang binti na naglalako ng chicharon, bitbit nito ang kanyang paninda na nakasabit sa kanyang balikat habang naglalako.

Kahit hindi man sabihin ng taong ito, alam nating hirap sya dahil sa kanyang kalagayan lalot na buhat buhat ang kanyang paninda habang kanya itong nilalako.


Marami ang humanga sa taong ito dahil kahit na ganun ang kanyang sitwasyon ay pinili nya pa ring maghanapbuhay para sa kanyang pamilya. Determinado din umano ito dahil kahit sya ay PWD pinilit nyang makapaghanapbuhay ng marangal kahit may kumakalat na COVID-19.

Magsilbi sanang inspirasyon ito para sa mga taong nawawalan ng pag-asa lalo na ngayon na may kumakalat na pandemya.

No comments