Karapat-dapat na hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ayon kay Solicitor General Jose Calida.
Paalala ni Calida sa network na ang legislative franchise ay isa lamang pribilehiyo.

Dapat aniya igalang ang naging desisyon ng Kongreso at hindi dapat ituring ito na pagpigil sa kalayaan sa pamamahayag.
Nakasaad sa Saligang Batas na ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na i-review at aprubahan ang prangkisa ng public utilities.
Source:RMN
No comments