any

Heart Evangelista, Bumisita sa Ospital sa Sorsogon at Namigay ng maraming Vitamins


Bumisita si Heart Evangelista sa isang Ospital sa Sorsogon upang mamigay ng libo-libong bote ng Vitamins.

Hindi nawawalan ng dahilan ang aktres at advocate na si Heart Evangelista para tumulong sa mga kapuwa Pinoy sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic.


Matatandaan na inilunsad ng aktres ang kaniyang programang BIG Heart PH na mamimigay ng tablet computer at Internet data para sa mga mag-aaral na hindi kayang bumili ng kanilang gadget para sa darating na online learning.

Ngunit hindi lang sa mga tao may malasakit ang actress kundi maski sa mga hayop. Ibinahagi nya kamakailan sa Instagram ang sinagip na aso mula sa mga among pinabayaan na lamang ito.


At ngayon naman, kahit may pangamba pa rin ng COVID-19 ay bumisita si Heart sa mga hospital ng Sorsogon kung saan siya pansamantalang nananatili kasama ang asawa at Sorsogon governor na si Chiz Escudero.

Muli sa Instagram ay ibinahagi ng aktres ang kaniyang pagbisita sa iba’t ibang hospital upang makilala at makausap ang mga naroon.


“Spent the afternoon visiting different hospitals here in Sorsogon and met so many lovely people,” ani Heart sa kaniyang IG post kalakip ang ilang litrato ng kaniyang pagbisita.

Hindi naman bumisita ang aktres nang walang dala, dahil namigay siya ng mahigit 7,000 na bote ng vitamin C sa mga hospital na pinuntahan. Nagpasalamat naman siya sa kompanyang Potencee para sa mga donasyon na vitamins.


Malaking tulong ang vitamin C lalo na sa panahon ngayon na dapat palakasin ang ating immune system panlaban na rin sa virus. Pumunta si Heart sa Sorsogon upang makasamang muli ang asawa na si Chiz pagkatapos ang halos 100 na araw na hindi pagkikita dahil sa lockdown.

Tiyak na hindi rito natatapos ang pagtulong ni Heart sa mga Pinoy, nawa’y biyayaan pa ng marami ang mga katulad mo!

No comments