any

DSWD, Tiniyak na Maipapamahagi ang 2nd Tranche ng SAP Bago matapos ang Hulyo


Tiniyak ng DSWD na matatapos sa katapusan nitong Hulyo ang pamamahagi 2nd Tranche ng SAP.

Aminado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may mga hamon sa pamamahagi ng second tranche ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).


Partikular ang pagpapapalit mula manual patungong digital payout.Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ginagawa na nila ang lahat ng paraan para matiyak na ang digital at manual distribution ng cash subsidy sa 17 milyong benepisyaryo, kabilang ang mga ‘waitlisted’ recipients ay makukumpleto sa July 31.

Ang SAP 2 payout sa geographically isolated at disadvantaged areas, maging sa conflict-affected areas ay tiniyak na matatapos hindi lalagpas sa August 15.


Iginiit ni Bautista na ang pag-adopt ng DSWD sa bagong innovation ay hindi madali.

Umapela ang kalihim sa publiko na patuloy na magtiwala sa pamahalaan sa gitna ng mabagal na distribusyon ng SAP.

Sa ilalim ng second tranche, ang DSWD ang nangunguna sa pamamahagi ng ayuda sa tulong ng financial service providers.

8 comments:

  1. Tanong ko lang po paano po kung nakauwi na po ng probinsya

    ReplyDelete
  2. sana naman po maibigay na.katulad ko hang gang nga un wala paring hanap buhay.yan nalang po ang ina asahan ko.dito po kami baculong victoria tarlac..

    ReplyDelete
  3. Panu Po Kpag Nakauwe Na Po Sa Nasugbu Batangas Po Kme Inabutan Ng Lockdown Pero Nakauwe Na Po Kme Dto Sa Sta. Teresita Batangas Po Panu Po Maku2ha 2nd Wave Ng Sap?

    ReplyDelete
  4. paano po yung mga walang cp na mag iinform kung may makukuha pa ba sila? paano naman ang mga walang applications ng GCASH/STARPAY ano gagawin nla para makuha nla ang cash subsidy?

    ReplyDelete
  5. 2ndntrancht bat ung 1st hangang ngayon wala pa po

    ReplyDelete
  6. Wag puro salita.... samantala g 4ps laging on time nakatanggap na sila ng SAP tapos katatapos lng pay out nla ngaun samantala g kmi SAP na nga lang wala pa. Pare parehas lng po kming may kaldero at nakaramdam ng gutom kya sana wag maging patas kau. Bakit cla lang ba ang botante?? Sana next election 4ps lng ang bumoto kc cla lng ang priority ng gobyerno๐Ÿ‘Ž๐Ÿ‘Ž๐Ÿ‘Ž

    ReplyDelete
  7. sa Magarao Cam sur po kailan po ang released ng pangalawang ayuda.

    ReplyDelete