DSWD, Aminadong mabagal ang Distribusyon ng Ikalawang Tranche ng SAP


Ayon sa DSWD, aminado silang mabagal ang distrbusyon ng ikalawang tranche ng SAP.

Aminado ang Department of Social Welfare and Development na mabagal ang distrubusyon ng ikalawang tranche ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).


Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, sa ngayon ay nasa 26 percent pa lang ang kanilang payouts, malayo pa sa target nila na 80% payout nitong katapusan ng Hulyo...

Mula sa target na 12 million beneficiaries ng SAP 2, sa ngayon ay nasa 3.2 million na benepisyaryo na ang nabibigyan ng ayuda na nagkakahalaga ng 19 billion pesos.


Ayon kay Paje, isa sa mga nagiging problema sa mabagal na pamamahagi ng SAP ay ang delay na pagbibigay ng listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa mga Local Government Unit, pag-encode ng duplicated list of beneficiaries at ang pagpunta sa mga liblib na lugar.

Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na ginagawa nila ang lahat ng paraan para mapabilis ang pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayuda.

Samantala, nilinaw ni DSWD Assistant Regional Director for Operations Shalaine Marie Lucero na ang mga lugar lang sa Region 7 na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang mabibigyan ng SAP 2 at ang nasa 160,000 na mga kwalipikado na una nang hindi nabigyan sa SAP 1.

Sa ngayon ay nasa 34 LGUs na ang nakapagbigay sa DSWD Region 7 ng mga pangalan ng mga benepisyaryo.

Source: RMN

5 comments:

  1. dto sa bacolod city kailan kaya mahirap tlga matming umaasa nyan kc ang mga work hnd pa bumabalik sa normal 3 times or 2 times lng may pasok

    ReplyDelete
  2. Bkit dto sa amin sa gabaldon nuevq ecija wala pa rin hanngang ngaun wala prin may aasahan pba kmi buti pa 4pis nka dalawang ayuda na kmi may aasahan pba kmi sa sap na yan?

    ReplyDelete
  3. Dito din po ba sa quezon city wala pa din po.kaylan po kaya ang second wave dito?masyado na pong mahirap ang kalagayan namin bilang isang therapist po.mahirap din po kmi makahanap ng work sa ngayon po...may aasahan pa po ba kamo dito?

    ReplyDelete
  4. Dito sa brgy 787 zone86 sta ana mla hanggang ngayon wala pa rin kailan kaya maibibigay ang aming pay out?

    ReplyDelete
  5. Kaming mga driver nga nasa listahan na ng dswd hanggang sa ngayon wala pa ano bang pamamaraan ang ginagawa ng dswd nakakatatlo na ang bigayan nyo kami ni isa wala pa bigay nyo na yong nabigyan na wg nyo ng bigyan.bigay nyo sa mga d pa nabibigyan

    ReplyDelete