any

Binata, Sinaksak ng kainuman na Tinalo nito sa larong Mobile Legends


Isang binata ang binawian ng buhay matapos saksakin ng kainuman na tinalo nito sa online games na Mobile Legends.

Kinilala ang biktimang si Angelo Paulo na taga Barangay San Isidro, Rosales, Pangasinan.



Binawian ng buhay ang biktimang si Angelo habang ginagamot ang natamong saksak nito sa bandang puson.

Ayon umano sa imbestigasyon ay nag-iinuman ang biktima na si Angelo at ang suspek na si Jerick Espanto sa isang Birthday party at biglang nagyayaan na maglaro ng Mobile Legends.


Nung matalo si Jerick ay uminit umano ang ulo nito at doon na sila nagtalo ng biktima hanggang umabot sa pananaksak ng suspek na si jerick sa biktimang si Angelo.


Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na ngayon ay tumakas at nagtatago na.

No comments