any

Batang iisa ang Paa, Naglalakad ng 4km araw-araw para makapasok sa Eskwelahan, Humihiling ng Artificial na Paa


Isang batang iisa lang ang paa ang nakapagtapos ng elementarya, nilalakad araw-araw ang 4 na kilometro makapasok lang sa eskwelahan at humihingi ng tulong na mabigyan ng artificial na paa.

Palagi natin naririnig na ang edukasyon ay ang tanging kayamanan na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay sa mundo at walang sinuman ang makakakuha nito mula sa atin.


Naniniwala din ang karamihan na ang edukasyon ay isang susi para makaahon mula sa kahirapan ng buhay.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang batang babae sa pagiging porsigido nito para makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap itong makapaglakad dahil ipinanganak siyang iisa lang ang binti.


Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi nito naging hadlang para mawalan ng pagasa na abutin ang kanyang pangarap.

Kinilala ang Grade 6 student na si Jean Arija Daipal, tubong Toboso, Negros Occidental at pangarap nitong maging isang doctor balang araw para makatulong sa mga taong tulad niya.




Sa isang Facebook post na ibinahagi ng isang school Principal na si Junar T. Mahilum, lubos ang paghanga niya kay Jean dahil sa ipinapakita nitong determinasyon para makapagtapos sa pag-aaral sa kabila ng kanyang kalagayan.


Ayon sa post ni Mahilum, naglalakad ng apat (4) kilometro araw-araw si Jean upang makapasok at matuto sa kanilang paaralan, kung kaya naman madami ang humahanga sa ipinapakitang determinasyon ng batang ito.

Hiling naman ni Jean sa araw ng kanyang graduation na sana balang araw ay magkaroon siya ng isang artipisyal na paa upang makapaglakad ng mas maayos pag papasok sa kanyang paaralan.


Inaasahan ni Principal Mahilum sa mga netizen na ibahagi sa social media ang kwento ni Jean upang matulungan siya lalo na sa kanyang kahilingan na artipisyal na paa.

No comments