Babae, Binayaran ang Philhealth ng isang lalaki dahil kulang ang Pangbayad nito


Isang babae ang tumulong sa lalaking nagkulang ang pangbayad sa Philhealth at pinatabi nalang nito ang pera ng lalaki para umano panggastos daw sa pangangailangan ng Pamilya nito.


Magbabayad umano ang isang lalaki ng kanyang Philhealth sa isang bayad center, ngunit sabi ng Cashier ay kulang ang pambayad nito.

Nakiusap ang lalaki at sinabi nya na "Wala na ho akong dalang pera, yan na ho lahat, galing pa ho akong Sapang Putik tas naglakad lang po ako papunta dito".


Ngunit walang magawa ang Cashier dahil kulang talaga ang pangbayad ng lalaki, "Hindi po mababayaran Philhealth nyo sir kasi kulang"

Nung pauwi na ang lalaki dahil kulang ang dala nitong pera, may nakarinig palang isang babae sa pag-uusap nila ng Cashier at agad nitong kinausap si manong at pinasama sya sa Cashier upang sya na lang umano ang magbabayad sa Philhealth nito.


Sabi pa umano ng babae ay "Itabi mo na lang po yan manong para may panggastos ka sa pangangailangan ng Pamilya mo".

Likas talaga sa mga Pilipino ang tumulong sa oras ng pangangailangan, marami pa sanang katulad ni ate ang may mabuting kalooban at handang tumulong.

Ito ang Post sa isang FB Page:

"Grabe! pasikatin natin itong si ateng naka pink, si kuyang naka green kase nagbabayad sya sa Philhealth tapos sabi ng cashier kulang yung perang pambayad nya, sabi ni manong "Wala na ho akong dalang pera, yan na ho lahat, galing pa ho akong Sapang Putik tas naglakad lang po ako papunta dito. "


"Sabi naman ng cashier "Hindi po mababayaran PhilHealth nyo sir kase kulang." Parang nasa P300 plus yata yung kulang ni manong, due date nya na kase ngayon, sabi naman ni manong "Sige po uuwi na lang ho ako" tapos nung paglabas ni manong sa Bayad Center kinausap sya ni ateng naka pink narinig nya pala na kulang ang pera nya, kaya sinamahan nya ulit si manong sa counter, si ateng naka pink na daw nagbayad ng Philhealth ni manong, tapos yung perang pambayad ni manong sabi ni ate "itabi mo na lang po yan manong para may panggastos ka sa pangangaylangan ng pamilya mo." Wow!." 


"Napakabuti ni ate, kung sino ka man maraming salamat sa kabutihang ginawa mo kay manong! Saludo po kami sa'yo! sana dumami pa ang katulad mong may mabuting kalooban, God bless you more!"

No comments