any

Araw-araw umaakyat ang lalaking ito sa bintana ng ospital para masilayan ang inang may COVID-19.


Para mabisita at masilayan ang kanyang ina sa mga huling sandali nito, araw-araw umaakyat sa bintana ng ospital ang 30-anyos na lalaki mula Palestine.

Sa report ng Daily Mail, hindi pinayagang bumisita si Jihad Al-Suwaiti sa kanyang inang si Rasma Salama matapos itong isugod sa ospital nang magpositibo sa COVID-19.
Ngunit hindi raw ito naging hadlang para hindi ito makita at mabisita na mapapanitili ang kanyang kaligtasan– dahil umaakyat siya sa pamamagitan ng drainpipe.


Sa bintanang naghihiwalay sa kanila, naoobserbahan daw ni Jihad ang kalagayan ng kanyang mahal na nanay.

Ayon sa Bored Panda, aalis lang daw sa labas ng bintana ang lalaki kapag nakatulog na ang kanyang ina.
Naospital kasi ito matapos masuriang may COVID-19 habang mayroong leukemia ilang linggo bago magpositibo sa virus.

At nito lang Hulyo 16, binawian ito ng buhay.

Galit at gulat daw ang naramdaman ni Jihad nang malaman ang malungkot na balita ngunit sa huli ay buong-puso niya na raw itong natanggap.

source:Facebook

2 comments:

  1. nakakalungkot nakakatouch ng puso.sanay gabayan ka po ni Lord.at sumalangit nawa ang kaluluwa ng iyong ina🙏

    ReplyDelete
  2. Mapag-mahal na anak.nakakalungkot at napakahirap tanggapin ang ganitong sitwasyon.rip sa mahal mong ina at nawa'y gabayan ka ni Allah.

    ReplyDelete