any

87-anyos na matanda, binawian ng buhay habang nakapila sa bigayan ng ayuda.


Nasawi ang isang senior citizen na nakapila para kumuha ng ayuda mula sa social amelioration program (SAP) sa gym ng Barangay Villamonte sa Bacolod City, Huwebes.
Kinilala ang biktima na si Aurelia Magbanua, 87, residente ng Purok Sabes sa nasabing barangay.

Ayon sa mga nakasaksi, masaya umanong naghihintay ang matanda ng ayuda kasama ang anak, nang bigla na lang itong natumba sa kinauupuan.


Naisugod pa sa ospital si Magbanua, ngunit binawian din ng buhay.
Napag-alamang umabot sa 4,000 residente ang nagtungo sa gym para sa ayuda nang araw na iyon.

Matatandaang may isa na ring senior citizen ang naiulat na nasawi habang naghihintay ng ayuda sa Barangay Tangub.

source:Facebook

No comments