any

53-Anyos na Pedicab Driver, Arestado matapos umanong magnakaw ng Dalawang Delata



Isang Pedicab Driver na 53-anyos ang arestado matapos umano magnakaw ng dalawang lata ng luncheon meat.

Isang 53-anyos na pedicab driver ang inaresto nitong Biyernes, July 3, 2020 matapos umano nitong magnakaw ng dalawang lata ng Spam luncheon meat na nagkakahalagang P381.00.


Ayon sa ulat ng GMA News, miyembro umano ng Sigue-Sigue Sputnik Gang ang suspek na si Rommel Figueroa ayon na rin sa ulat ng Ermita Police Station. Inereklamo ng safety and security supervisor na si Randy Elenias ng Super 8 Retail Systems Inc. si Figueroa.

"Suspect was brought to Paco PCP then subjected the same for medical check-up and later turned over to this station for investigation,"-saad ng police report.


"Crime of Theft thru Shoplifting was charged against the suspect and same will be presented to the Manila City Prosecutor's Office for evaluation and proper recommendation."- dagdag nito

Naging samu't-sari ang reaksiyon ng netizens dito pero karamihan sa mga ito ay nahabag sa kalagayan ng suspek.

"Seriously.. Justice system of .. Kmusta Yung mga billiones na ninakaw nang mga buwaya..so sad pero ito ang realidad Para sa mga mahihirap."

"Dito lang sa pilipinas, pag nag nakaw ka ng makakain ng pamilya mo sa grocery makukulong ka, pag nag nakaw ka ng milyon milyon sa Gobyerno, may boto kpa sa tao."

"Mababaw Lang Naman ang nagawa niyang kasalanan para ikulong Sana po sa halip na hulihin siya ay tulungan nalang po NG gobyerno na mabigyan NG ayuda... deserve Naman po lahat NG second chance baka may malalim Naman po syang dahilan Kung bakit nya yon nagawa."


Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao. Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

4 comments:

  1. Kawawa n mn yung matanda baka subrang gutom n yun..at ska bka wlang kita n pambili

    ReplyDelete
  2. Kung naganakaw yan ibig sabihin ang tindi ng pangangailanganng pamilya,gutom talaga yan,dahil hindi nya isusugal ang reputations ng sarili at pamilya nya sa dalawang latang luncheon meat.BAKIT PAG ANG MAHIHIRAP NAGNAKAW ISYU NA PERO MGA TAO SA GOBYERNOMILYO MILYONES NAANG NINANAKAW WALA LANG?ATPWEDE PA KUMANDIDATO???HAYSSST BUHAY TALAGA!SANA PO HUWAG NA LANG PONG IKULONG BAGKUS AY BIGYAN NG PAGKAIN NA LANG O ANUMANG AYUDA.

    ReplyDelete
  3. S halagang yan bgay n LNG ky lolo at imagine pedicab driver...cguro wala png kita at gutom n cguro kya nanguha n ng luncheon meat.pls eagle nyo n ikulong...parang awa nyo n

    ReplyDelete
  4. Sana n lang maisip nio n kawawa nmn ang nag hihintay n pamilya nia bka nagugutom n ang HND NLA alam nakakulong n pla c tatay NLA😩

    ReplyDelete