any

44-Anyos na Ina, Nagtapos ng Senior high School


Hinangaan ang isang Ina ng 44-Anyos dahil kahit sya ay may edad na ay nakatapos ito ng Senior High School.

Sa kabila ng kaniyang edad, patuloy na inaabot ng isang 44-anyos na babae ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.



Hinahangaan sa social media ang post ni Ryzinnia Agualada tungkol sa inang si Elena Dacuran Agualada na nagtapos ng senior high school sa St. Ignatius Technical Institute of Business and Arts sa Laguna kamakailan lamang.

Kuwento ng uploader, ipinagmamalaki nilang magkakapatid ang tinamong tagumpay ni Nanay Elena na nagawang pagsabayin ang pagtratrabaho, pagiging mag-aaral, at pagiging huwarang ilaw ng tahanan.

Kahit nahihirapan dulot ng epekto ng pandemya, buo pa rin ang suporta ng pamilya upang makamit ng ina ang minimithing pangarap na maging isang titser.



Sa isang panayam ay sinabi ni Nanay Elena na nahinto siya noon sa pag-aaral dahil nagkahiwalay ang magulang niya dahilan para mapabayaan sila.

Nakaranas din siya ng pangungutya mula sa mga kaklase sa senior high school. Pero imbis na sumuko, naging sandigan niya ang determinasyon at tiwala ng mga mahal sa buhay.

Nakatakdang kumuha ang ginang ng kursong edukasyon sa Polytechnic University of the Philippines-Sta. Rosa campus sa susunod na pasukan.

Post ng kanyang Anak sa Facebook Account nito:

"Road na sa college si mama♡sana ol matalino ,ma hanggang makapag tapos ka susuportahanšŸ˜Š ka namin malapit ka Ng makapag tapos then baka maging teacher ka na sipag talaga hanep❤️ EElena Dacuran AgualadaDElena Dacuran AgualadaAElena Dacuran Agualadalabyu mama Kaya Yan sa susunod ako Naman ganyan . CONGRATULATIONS"

No comments