any

Watch! Kuya Wil nagbigay ng P100,000 tulong para sa mga anak na naulila ni Michelle Silvertino


Kumurot sa puso ni Willie Revillame ang balita tungkol kay Michelle Silvertino, ang ginang ang pumanaw habang naghihintay ng masasakyang bus pauwi sa kaniyang apat na batang anak na nasa Bicol.

"Nakakabagbag-damdamin, nakakahabag ng puso," sabi ni Kuya Wil sa "Tutok To Win" nitong Huwebes nang malaman ang nangyari kay Michelle sa GMA News "24 Oras."

"Noong napanood ko ho ito kagabi... Bakit ho nangyayari ito ngayon sa ating mga kababayan? Kawawa 'yung mga anak na naiwan," saad pa ng TV host.


Para makapagkaloob ng tulong, tinawagan ni Kuya Wil ang isang kapatid ni Michelle na si Josie.

Lalo pang humanga si Kuya Wil kay Michelle nang sabihin ni Josie na huli silang nagkausap ng kaniyang ate noong Mayo nang manghiram siya rito ng pera at nagpadala naman sa kaniya.

"Ang bait naman ng ate mo si Michelle," sabi ni Kuya Wil kay Josie.

Para makatulong sa mga naulilang mga anak ni Michelle, nagbigay ng P100,000 si Kuya Wil.

"Gusto ko sanang makatulong, ng Wowowin family. Gusto kong magpadala ng pera sa inyo para pantawid sa hirap ng inyong mga pamangkin. Magpapadala ako ng pera P100,000 para sa pamilya niyo, para sa mga bata, para sa pagpapaaral nila," sabi ni Kuya Wil. Panoorin ang buong video.



Source:Facebook

No comments