any

Veteran at Award-Winning Actress na si Anita Linda, pumanaw na sa edad na 95-taong gulang



Pumanaw nitong Miyerkoles ang beterana at award-winning actress na si Anita Linda dulot ng heart failure. Siya ay 95 taong gulang.

Ipinost ng direktor na si Adolf Alix Jr., isa sa mga nakatrabaho noon ng showbiz icon, ang malungkot na balita sa kaniyang Instagram account.

Ang namayapang haligi ng Philippine Cinema ay itinuturing na “oldest active actress” sa buong Pilipinas.

Nakatakda sanang magdiwang ng ika-96 na kaarawan sa Nobyembre si Anita Linda o Alice Buenaflor Lake sa totoong buhay.

Dekada ’70 nang magwagi si Anita bilang best supporting actress sa FAMAS para sa mga pelikulang “Tatlo, Dalawa, Isa” at “Ang Babae sa Bubungang Lata,” dahilan upang itampok siya na pinakamatandang aktres na nakakuha ng nasabing parangal.

1 comment: