Tinutuklas na gamot ng India kontra COVID-19, Makikinabang ang PH
Nangako ang gobyerno ng India na isa ang Pilipinas sa mga unang makikinabang sa tinutuklas nilang gamot laban sa COVID-19.
Ito ang tiniyak ni Indian Prime Minister Narendra Modi kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nilang mag-usap sa telepono nitong Martes ng gabi.
Nagkasundo ang dalawang lider na magtulungan para labanan ang COVID-19 at lalo pang patatagin ang kanilang international at bilateral cooperation para epektibong maharap ang problema sa bagsik ng coronavirus.
Sa inilabas na statement ng Malacañang, tiniyak ng Indian Prime Minister kay Pangulong Duterte ang sapat na supply at murang gamot para sa Pilipinas kabilang na ang hydroxychloroquine.
Kinilala ni Pangulong Duterte ang India bilang nangungunang global producer at pinagmumulan ng murang gamot at ang magandang pangangasiwa ng Indian government sa COVID pandemic kung saan 2.82% lamang ang fatality rate, pinakamababang record sa buong mundo.
Binati naman ni Modi si Pangulong Duterte sa epektibong pangangasiwa nito sa COVID situation sa bansa.
Ang pag-uusap sa telepono nina Pangulong Duterte at Prime Minister Modi ay tumagal ng 25 minuto.
Ang Indian Prime Minister ang tumawag kay Pangulong Duterte.
Wow....galing nman sna matupad ang pangako nla s atin...good job po at sna mtapos nrin c covid ng bumalik n tau s dati...
ReplyDelete