any

Security Guard, Nagsilbing Guro ng mga Batang Lansangan


Isang Security Guard ng isang Pawnshop ang nagsisilbing Guro ng mga batang lansangan habang walang pasok dahil sa lockdown.

Ang Security Guard na si Rene Abelita na nagtatrabaho sa Palawan Pawnshop ang nagtuturo sa mga batang lansangan habang nakaduty.

Tinuturuan nyang magsulat at magbasa ang mga bata. Malaking tulong ito dahil walang kakayanan ang mga bata sa makabagong gagawing pagtuturo ngayon.



Nakuhanan ito ng larawan ni John Robert Flores ang kabaitang ginagawa ng security guard.



"Napadaan kami sa palawan pawnshop sa Arellano University. And spotted si kuyang  security guard na tinituruan nyang magbasa at magsulat yung bata. Nakakaproud lang kasi kahit di nya kaano-ano but still tinuturuan nya pa rin kasi may busilak syang puso. I salute you kuyang sg sa patuloy ka parin bigyan ng blessings ni lord dahil sa mabuti at busilak kang puso para matulungan ang batang yan"- Saad ni Flores

No comments