any

Security Guard, Ganap ng Abogado matapos makapasa sa Bar Exam


Isang Security Guard ang nakapasa sa Bar Exam at ngayo'y ganap ng isang abogado.

Ganap ng Abogado si Roy Lawagan mula sa Baguio City, Ito lang ang nagpapatunay sa kasabihang walang imposible sa taong may Pangarap.


Nagtatrabaho siya bilang Sekyu sa umaga at nag-aaral sa gabi, ang lahat ng paghihirap at pagtyatyaga ay nagbunga dahil sa kanyang pagsisikap.

Matapos nyang malaman ang balitang pumasa sya sa bar exam ay pumasok ito kinabukasan suot ang kanyang uniporme bilang sekyu sa Lawagan sa Commission on Audit Office sa La Trinidad, Benguet.


Nagpaalam ito sa kanyang pinapasukan bilang Security Guard na magre-resign na sya at gagampanan nya na ang matagal nya ng pangarap na maging isang tunay na Abogado.

Ayon sa kanya,"Being a lawyer was my Father's dream".Nagtapos sya ng Criminology course sa University of Baguio at pinagpatuloy ang Law sa University of Saint Louis.

1 comment: