any

Pulis, Pinakyaw ang Tindang saging ni Lolo


Isang Pulis ang nag-magandang loob na pakyawin ang tindang saging ng matandang nakasalubong nya sa kalsada.

Hindi kayang tiisin ni Police Officer Jojo Paguia ang nakikitang buhat-buhat ng matanda ang tinda nitong saging. Kaya pinakyaw niya ito kahit di naman nya kailangan. Upang hindi lang mahirapan ang matanda kakabuhat sa tinda nyang saging.

"Natiyempuhan ko uli si tatang hindi ko kayang tiisin na hindi pakyawin lahat ng kanyang paninda kahit hindi ko naman talaga dapat bilhin. Sabi ko sa kanya "bigyan ko na lang kayo ng 500 akin na lang lahat ng dala nyo"- Saad ng Pulis

              Image may contain: one or more people, child and outdoor


Binigyan ng Pulis ang matanda ng 500Php at bigas na may noodles.

"kahit iilang piling lang naman na bubot na saging sabay abot ng 500 pesos at bigas na may noodles."-Dagdag pa niya

Ito lang ang alam ng Pulis na dapat nyang gawin upang wala ng buhatin ang matanda.

"Ang pakyawin lahat ng dala niya ang magpapatigil sa kanya sa pagbubuhat. Ang iba kasi inaabutan lang siya ng pera. Ganun din, magpapagod uli si tatang."- pagmamalasakit ng Pulis

Image may contain: one or more people and outdoor



May pagkakataon ding nahihimatay ang matanda sa kanyang paglalako.

"Ayon sa ilang nagkukuwento may mga pagkakataon na nahihimatay si tatay sa paglalako. Siya ay tubong Calamba lang na iniikot ang mga barangay sa paglalako."- dagdag pa ng Pulis

No comments