any

Parking Boy, Isinauli ang Napulot nyang Pitaka na naglalaman ng Pera at Credit Card


Napulot ng isang Parking Boy ang isang Pitaka na naglalaman ng pera at credit card at agad nya itong dinala sa Police Station para makuha ng may-ari.


Ayon sa may-ari ng Pitaka na si Charlon Ignacio, nagpunta umano sya sa Marikina Bayan BPI upang magwithdraw ng pera at noong nakauwi na sya sa kanilang bahay, napansin nya na nawawla na pala ang kanyang pitaka.

Naisip agad ni Charlon na nalaglag nya ito sa parking area kung saan sya nagwithdraw, kaya naman aga syang bumalik doon upang magbakasakaling makikita nya pa ang kanyang pitaka. Ngunit hindi nya na nakita.


Pumasok ito sa isang Convenience Store at nagtanong sa mga crew nito kung mayroong CCTV sa labas ng kanilang store. Nakilala ito ng crew at sinabi na mayroong parking boy na nakapulot ng kanyang Pitaka. Sinubukan ito hanapin ng kasama nyang lalaki ngunit wala na ang Parking Biy doon.

Laking tuwa ni Charlon na isinurender na pala ang kanyang nawawalang pitaka sa kalapit nitong Police Station.

Nang pumunta na sya sa Police Station ay naibalik sa kanya ang kanyang pitaka at nakita nya rin ang tapat na Parking Boy na si Jheonathan Romasanta.


Kahit walang pera si jheonathan, walang tirahan at mayroon pang sakit na Thyroid ay hindi nya naisipang pagitrisan ang napulot nyang Pitaka.


"He is JOBLESS, HOMELESS and ILL (he has a Thyroid disease) and YET STILL DECIDED to return my wallet. Ni hindi pumasok sa isip nya na kunin na lang yung wallet ko para pambili nya ng pagkain or gamot. God bless you Kuya! I know the Lord will return the blessings to you at alam ko na higit pa yun sa laman ng wallet ko."- saad ni Charlon


"God, You really amaze me today. Thank You for this experience. May You bless these people. You make me realize that despite of what’s happening now, there is still really good in this world. To God be the glory!"- dagdag pa nito

No comments