any

PANOORIN! | Paninda ng Dalawang Bata, Pinakyaw ng isang Lalaki


Panindang Lumpia at Pansit ng dalawang bata, pinakyaw ng isang lalaki para daw umano maka-uwi na agad ang mga ito.

Sa gitna ng paglaganap ng Pandemya, marami sa atin ang nawalan ng trabaho, kaya pati kabataan ay napipilitang maghanapbuhay magkaroon lang ng kakainin.


Tulad ng na lang ng video na ito na nag-viral sa social media dahil sa kabutihang loob na pinakita ng isang netizen matapos nitong pakyawin ang lahat ng paninda ng dalawang batang nagtitinda ng meryenda sa Sariaya, Quezon Province.

Naisip ng lalaki na ito na pakyawin na lang lahat ng tinda ng dalawang bata dahil ito lang ang tulong na magagawa nya upang makauwi na ang dalawang bata para hindi na ma-expose sa lansangan at mahawa ng sakit na kumakalat ngayon.


                     

No comments