any

PANOORIN! | Misis, pinamigay ni Mister sa ibang lalaki dahil sa Hirap ng Buhay



Mister, pinamigay sa ibang lalaki ang kanyang Asawa dahil wala umano itong mapakain dahil sa hirap ng buhay.

Ayon sa isang Youtube Channel ni Lorry Aquino Talita, makikita ang kwento ni Mae Salangsawa, 25-anyos na may tatlong anak at bago nitong asawa na si Joel Baniqued, 50-anyos.


Parehong walang trabaho ang dalawa, paminsan-minsan kumikita lang ang asawa ni Mae sa pagpapa-atras ng mga sasakyan sa mga parking lot. Si Mae naman ay humahanap ng paraan at dumidiskarte para lang may makain sila.

May mga taong nagbibigay lang sakanila ng pagkain, mairaos lang ang pang araw-araw.


Kinuwento ni Mae na taga Balagtas,Bulacan sila pero nasa Rosales,Pangasinan sya ngayon dahil taga dun si Joel.

Ang unang asawa ni Mae ay taga Pandi, Bulacan. Pinamigay umano sila ng nito kay Joel dahil di na daw ito kayang suportahan ang mag-iina.

Naiiyak na lamang si Mae habang kinukwento nya ang naganap sa kanyang buhay.


Tinulungan sila ng naturang Vlogger, Binigyang sila ng Grocery at kinontak ang Ina nito na taga Balagtas, Bulacan.

Sabi ng Ina ni Mae na umuwi na sila sa Bulacan upang magsama-sama na muli silang mag-anak.

Nagpasalamat si Mae ng marami sa Vlogger na tumulong sa kanila, dahil umano dito madaming biyaya ang kanilang natamo.

"Nagpapasalamat po ako na maraming tumulong"- saad ni Mae

4 comments:

  1. Kawawa naman sila..pero bilib ako sa ina mabait sya

    ReplyDelete
  2. Grabe nman Ang hirap na dinanas ni ate.

    ReplyDelete
  3. Napaka hirap naman nang buhay mo inday. Kapit lang

    ReplyDelete
  4. God bless...khit bata ka pa d ka ng give up...be strong..God will always be with u....sakit haman ng sitwasyon mo..

    ReplyDelete