any

PANOORIN! | Matandang Pulubi na natutulog, Hinagisan ng Paputok ng isang Lalaki


Isang lalaki ang naghagis ng paputok sa isang pulubi baba natutulog ito sa isang gilid.

Hinagis ng lalaki ang sinindihang paputok sa isa pulubing natutulog, lapnos ang katawan nito dahil sa pagsiklab at pagputok nito.


Nakuhaan ng video ang buong pangyayari noong lunes bandang alas-4 ng madaling araw.

Nakilala ang pulubing biktima na si Charles Bell, 66-anyos, ilang segundo lang ng mapansin nya na sumisindi at nagising ito na nakapatong na pala sa kanya ang paputok at biglang sumabog.


Sa footage ay maririnig din ang isa ring lalaking tila humahagikhik pa.

Dinala naman sa St. Luke’s Hospital ang biktima kung saan ginamot ang kanyang minor burns at kalauna’y nasa maayos nang kondisyon.


Samantala, inilalarawan naman ng New York Police ang krimen na nakapangingilabot kaya kailangan umanong mahuli ang mga responsable sa likod ng nangyari.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya simula nang kumalat sa social media ang naturang video.


Matapos ang insidente ay nagtatag ng task force noong umaga ng Martes ang Mayor na si Bill de Blasio para tugisin ang suppliers at distributors ng illegal fireworks.

Nagsawa na ng malawakang operasyon ang nasabing grupo para mahuli ang responsable sa likod ng ilegal na pagagamit ng paputok.

No comments