any

PANOORIN! | Grupo ng dating pangulo ng homeowners sa Caloocan, naging marahas


Nagkaroon ng tensyon ng magkita ang dating pangulo at bagong pangulo ng isang homeowners sa Caloocan city. Naging marahas ang grupo ng dating presidente ng homeowners.

Nahuli sa video ang ginawa ng dating pangulo ng homeowners association ng Phase 3 BF Homes Deparo sa Barangay 168.

“Nag-dirty finger sa amin. Tapos nagkaroon ng paliwanagan at kaunting argumento. Kinukuwestiyon niya ‘yung pagiging president ko,” sabi ng bagong pangulo ng nasabing lugar.

“Pagbaba pa lang niya ng sasakyan, armado na silang lahat. May itak, may baril. ‘Yung isang mamang matanda na senior, ‘yun ‘yung binugbog nila. So lumapit ako as president, aawatin ko sila. Do’n na kami tinutukan isa-isa ni Mr. Antonio Borbon. Tinutukan kami sa ulo,”dagdag pa nito

Isang matandang lalaki na residente ng naturang lugar ang nasugatan sa kaliwang kamay matapos itong tagain ng kasama ng dating pangulo na si Edwin Malibiran.

“Pagang paga siya. Nangingitim siya hanggang ngayon dahil nagpari ako ng bolo na inunday sa akin,”sabi ng biktima.

Kita pa sa video ang pagtutok ng baril ng isang matanda na kasama ni Malibiran sa ilang lalaki at sa kumukuha ng video.

Mga unarmed kami. ‘Yung baril nilalapit na sa mukha ko. Buti na lang nasagi ko ‘yung kamay at pumutok. Tapos after that, sinubukan kong agawin ‘yung baril, niyakap ko na siya, pumutok ulit,”sabi ng secretary.                         | 

2 comments:

  1. hahanapin nyo yan, kc marami ngaun pwde pumatay s knya,my nag post sa fb ko na my nag mamanman sa bahay ng gagong yan,maraming gsto kumuha sa buhay nya,maraming nangangailangan ng pera

    ReplyDelete
  2. Ikulong yang mayabang n yan..

    ReplyDelete