any

PANOORIN! | 10-Anyos na Batang lalaki, Namumuhay mag-isa dahil Pumanaw na ang mga Magulang at Lola nito


Isang bata ang namumuhay mag-isa matapos pumanaw ang kanyang mga magulang at ang kanyang lola

Isang kahanga hangang 10-anyos na bata ay ngayon ay nakatira magisa sa bukid at binubuhay ang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang lola at ama. Marami ang naantig na netizen sa kanyang istorya.


Ang 10-anyos na bata ay si Dang Van Khuyen na mula sa Vietnam. Sa pagtatanim nito ng gulay, kaya niyang mabuhay ng magisa.

Si Khuyen ay lumaking kasama ang kanyang lola habang ang kaniyang ama ay nagtratrabaho sa malayong lugar. Hindi niya din gaanong nakakasama ang ama. Dagdag pa dito, si Khuyen ay maagang naulila sa ina.


Sa simpleng buhay ni Khuyen kasama ang kaniyang lola ay maayos naman ang kanilang pamumuhay. Ang kaniyang ama ay nakakapag bigay ng kaunting tulong sa mag-lola.

Subalit kamakailan ay sumakabilang buhay ang kaniyang lola sa katandaan. Dahil dito magisa nalang siya nabubuhay sa bukirin at magisang sinusustentuhan ang sarili.


Kasunod ng pangyayari sa kanyang lola ay sumunod ang balita na pumanaw na din ang kanyang ama dahil sa disgrasya habang nasa trabaho

Walang ibang magawa si Khuyen kundi tanggapin ang mga pangyayari. Pinilit ni Khuyen na buhayin ang sarili sa pagtatanim ng gulay upang makapagpatuloy. Katatagan at pagiging positibo matapos ang mga pangyayari ang kanyang taglay.


Ito ang naging motibasyon niya upang magpatuloy at hindi basta basta sumuko sa mga pagsubok na dadating sa kanyang buhay.

Sa murang edad na 10-anyos kailangan niya wala siyang ibang desisyon kundi mabuhay magisa. Hindi rin ito hadlang sa kanya ang pagkamit niya sa edukasyon. Ni minsan at hindi ito lumiban sa klase sa kabila ng mga pangyayari sa buhay.


Ang kalagayan ni Khuyen ay nalaman ng local na pamahalaan at ang paaralan na kanyang pinapasukan Sinabi sakanya na ipasok nalang sa bahay ampunan upang maging mas komportable ang kanyang pamumuhay. Subalit ang desisyon ni Khuyen ay manatili sa kaniyang tirahan sa bukirin. Mga gulay ang naging pinagkukuhanan niya para sa kanyang pamumuhay at sa pag-aaral.

Naglilikom naman ang kanyang guro ng pera pangtulong upang maiuwi ang labi ng kanyang ama sa ganoon ay mailibing ito ng maayos at malapit sa piling ni Khuyen. Mararami ang mga humanga kay Khuyen dahil sa kanyang determinasyon upang magpatuloy sa buhay kahit madaming pagsubok ang dumating sa kanya.

No comments