any

Pangulong Duterte pinirmahan na ang National Academy of Sports Act,


Sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa Davao ay nilagdaan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Academy of Sports Act o Republic Act 11470.

Ayon kay Sports Committee Chairman Senator Christopher “Bong” Go, pangunahing itinatakda ng batas ang pagtatayo ng National Academy of Sports (NAS) malapit sa world-class New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.


Inaatasan ng batas ang NAS na bumuo ng secondary education program na kapapalooban ng special curriculum on sports at magbibigay ito ng scholarship para sa mga kwalipikadong kabataan na may talento at kagustuhang mapahusay ang kanilang sporting skills.


Diin ni Go, daan ito para mabigyan ang mga kabataang atleta ng pagkakataon na mag-training at makapag-aral sa isang world-class na pasilidad at eskwelahan.

Sabi pa ni Go, gabay din ito para malinang ng mga kabataan ang kanilang mga talento lalo na sa larangan ng palakasan na magbibigay sa kanila ng oportunidad na magtagumpay sa buhay at mailayo sa masasamang bisyo tulad ng iligal na droga.
Source:Facebook

No comments