any

Panghanda sana sa 1st Birthday ng anak, Ibinili ng Relief Goods para makatulong


Ipanghahanda sana ng ika-1 taong kaarawan ng kanyang anak, ibinili na lang ng mga relief goods para ipamigay sa mga tricycle drivers at Basurero.


Hinangaan ang pag-tulong ng mag-asawang ito dahil ang pera sanang gagamitin sa selebrasyon ng unang kaarawan ng kanilang anak ay ipinambili na lang nila ng relief goods.




Ipagdiriwang sana noong Marso 31, 2020 ang unang kaarawan ng anak ng mag-asawang Mark Anthony at Janisa sa Maguindanao. Nguit dahil sa banta ng kumakalat na pandemya at maraming tao ang apektado nito naisipan nalang ng mag-asawa na mamigay ng relief goods.

Ang perang itinabi ng mag-asawa na para sana sa Children party ng anak ay ginamit na lang nila para ibili ng relief goods ay ipamahagi sa mga nangangailangan. Ang nasabing relief goods ay ipinamahagi nila sa mga tricycle drivers, padyak at sa mga nangongolekta ng basura sa kanilang lugar sa Cotabato City, Maguindanao. Kabilang sa kanilang pinamigay ang bigas, sardinas at noodles.



Ayon sa mag-asawa ay hindi ganoon kadami ang kanilang pinamili ngunit sapat na ito upang makatulong sila sa kanilang mga kababayan na gipit ngayon.


Bumuhos naman ang kanilang papuring natanggap dahil sa ganoong halaga ay nakatulong sila upang magkaroon ng makakain ang ibang hirap sa buhay.

No comments