any

May dapat nga bang managot sa Pagkamatay ni Michelle Silvertino?!


Marami ang naantig ang damdamin at nakikisimpatiya sa sinapit ng 33-anyos na single mother na si Michelle Silvertino, na nasawi sa isang footbridge sa Pasay City matapos maghintay ng masasakyang bus para makauwi sa kaniyang pamilya sa Bicol. May dapat nga bang managot sa kaniyang sinapit? Alamin.

Sa segment na "Kapuso Sa Batas" sa "Unang Hirit," sinabi ni Atty. Gaby Concepcion na maaaring magkaroon ng pananagutan ang mga lokal na opisyal kung hindi nila tinugunan ang kalagayan ni Silvertino kahit naiparating sa kanila ang sitwasyon ng ginang.


"Unang una, ito nga ang tinatawag nating dereliction of duty bilang isang halal na opisyal ng barangay, at lalong lalo na nga ngayon sa panahon ng COVID-19 na meron talagang obligasyon to assist all persons who may possibly be infected with COVID," paliwanag ni Concepcion.

Una rito, iniulat na pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 ang pagkasawi ni Silvertino bagaman hinihintay pa ang confirmatory test sa kaniya.

Ayon kay Concepcion, posibleng paglabag sa "Bayanihan to Heal As One Act" kung hindi nabigyan ng tulong ng lokal na mga opisyal ang sitwasyon ni Silvertino, at posibleng nailagay din nila sa panganib ang kalusugan ng iba.

"Kaya nga nagkaroon ng emergency batas, 'Bayanihan to Heal As One Act,' na dito talaga nakaemphasize ang obligasyon at responsibilidad ng opisyales natin ng local goverment unit," sabi ng abogado.

"Pangalawa, kung palagay nila ay talagang infected ito ng coronavirus, dapat ay mabigyan ng compulsory at immediate assistance at i-isolate kaagad itong taong to kung talagang binigyan ng first aid at relief at in-isolate, ay talagang in-endanger lang nila 'yung buhay ng taong to kung di yung mga tao sa buong barangay," patuloy ni Concepcion.

Sa ulat naman sa GMA New "24 Oras," sinabing inatasan na ng Department of Interior and Local Government ang pulisya na mag-imbestiga sa nangyari kay Michelle.

Nakausap na raw ng pulisya ang amo ni Michelle at sinabing inihatid nila ito sa bus terminal sa Pasay. Inalok din daw nila si Michelle na bumalik nang malaman nilang walang biyahe pero pinili na raw ng ginang na maghintay na lang.

Ang barangay 159 na nakakasakop sa lugar kung saan nasawi si Michelle, sinabing ang protocol nila ay mag-assist at tumawag ng rescue.

Hiningan na ri ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano ng paliwanag ang Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office. Batay sa paliwanag, sinabing June 1 nang una nilang respondehan si Michelle na maayos naman daw ang lagay noon.

Pero dahil mukhang pagod, inalok daw nila itong dalhin sa ospital pero tumanggi siya at pumirma ng waiver. Sa sumunod na araw ay pinuntahan daw uli ng grupo si Michelle pero ayaw pa rin daw nitong padala sa ospital.

Paniwala ng alkalde, maaaring tumanggi si Michelle na magpadala sa ospital dahil na rin sa pag-aabang na baka may bus na biglang bumiyahe.

Umaasa si Concepcion na ang nangyari kay Silvertino magiging daan para makita ng mga nasa kinauukulan ang kalagayan ng mga karaniwang tao na hindi makauwi.

"Locally stranded, pag iniisip mo, pupunta siya ng [Bicol]. Ang hirap 'pag ordinaryong tao ka, napakahirap. Kukuha ka ng pass, hindi lamang sa local police, hindi lamang sa local police…so napakahirap, wala na ngang sasakyan pano pa kukunin ang police clearance, ang medical clearance, so napakahirap talaga sa ordinaryong tao na magkaroon ng sakit sa panahong ito," giit niya.

Batay sa mga ulat, pumanaw si Silvertino noong Biyernes, ilang araw matapos siyang mamalagi sa footbridge sa Pasay sa EDSA na malapit sa bus terminal.

Kaagad ding inilibing ang ginang na huling nakita ang apat na mga batang anak noong Enero.

sourec:Facebook

4 comments:

  1. May nakakita na Pala sa kanya nuon dapat that time tinulungan na agad sya,, baka nakaligtas PA sya at nakita man Lang mga anak bago sya pumanaw..

    ReplyDelete
  2. Nakakaawa nmn.tapos ang mga nasa lugar n n straded yong tao di sila nagbibigay ng priority s mga santa sa lugar nila dahil ang rasong di sila duon nakatira at minsan sasabihin ng baranggay official di sila botante doon.

    ReplyDelete
  3. MGA PULPOLITIKO SA BAYAN NATIN ANG SASARAP NG BUHAY. NAKASASAKYAN, HELICOPTER, KUNG SAAN GUSTO MAGPUNTA MAKAKAPUNTA DI MAN LANG MAKATULONG SA MGA MARALITANG PILIPINO. ALAM NYO NAMAN PA LANG UUWI NG BICOL KAYO NA SANA NAGHATID GAMIT YANG MGA SASAKYAN NYONG NABILI GAMIT ANG PERA NG TAONG BAYAN.

    ReplyDelete
  4. MGA PULPOLITIKO SA BAYAN NATIN ANG SASARAP NG BUHAY. NAKASASAKYAN, HELICOPTER, KUNG SAAN GUSTO MAGPUNTA MAKAKAPUNTA DI MAN LANG MAKATULONG SA MGA MARALITANG PILIPINO. ALAM NYO NAMAN PA LANG UUWI NG BICOL KAYO NA SANA NAGHATID GAMIT YANG MGA SASAKYAN NYONG NABILI GAMIT ANG PERA NG TAONG BAYAN.

    ReplyDelete