any

Matandang Foreigner, Naging Palaboy dahil Niloko ng Partner nyang Pinay


Isang matandang foreigner ang niloko ng partner nyang isang pinay at naging palaboy ito sa gitna na may kumakalat na pandemya.


Nagmalasakit ang isang Netizen mula Kidapawan City sa isang foreigner na nakaupo sa isang bangketa at tulala at talaga namang nakakaawa.

May katandaan na din ito at wala pang dala na kahit ano, kahit pamalit ng damit ay wala syang nadala.

Mahirap ang sitwasyon ng matandang banyaga dahil wala syang matirhan at may kumakalat pang pamdemya.

Malapit ito sa mga sakit lalo na't matanda na at wala pang proteksyon sa katawan katulad ng facemask, nagiintay na lang ito ng pagkain mula sa mga dumadaan.


Kinilala ang foreigner na si Henry Gonzales na isang Argentinian National.

Kwento nito ay naglakad-lakad lang umano ito hanggang nakarating ito sa Kidapawan City, dahil niloko umano sya ng kanyang partner na pinay.Naubos lahat ang kanyang pera maging ang mga gamit nya kaya wala syang paipambili ng pagkain.


Narito ang post ng netizen na si Ivan at nais nyang manawagan sa mga may mabubuting puso na matulungan sana ang matanda:

"Hi sa mga friends natin sa Kidapawan City, baka naman matulungan natin makauwi o mabigyan man lang pang kain pang araw araw si sir. Sya si Henry Gonzales, isang Argentinian national na napadpad dito sa Kidapawan City."

"Naloko daw sya ng pinay partner nya kaya sya nagka ganyan. Nakakalungkot naman po lalo pa pandemic ngayon, wala syang perang pangkain sa araw araw. Sana mabigyan din po sya ng mask or anything na maka help sa kanya para maka iwas sa virus."


"Sa mga friends po natin na makakakita sa kanya, baka naman po sana maabutan sya ng konting tulong. Salamat and godbless."
- saad ni Ivan.

No comments