any

Matandang Cancer Survivor at Gumaling sa COVID-19, Nagdiriwang ngayon ng ika-100 taong Kaarawan


Isang matandang Cancer Survivor at gumaling sa COVID-19 ang nagdiriwang ngayon ng ika-100 taon kaarawan.

Masayang nagdiwang ng ika-100 kaarawan ang isang cancer survivor kasunod ng matagumpay na laban sa pneumonia noong nakaraang taon at sa COVID-19 naman kamakailan lang.


Isang linggo bago ang kaarawan ni Leora Martin nitong June 13 nang mabalitaan niyang nagnegatibo na siya sa novel coronavirus, matapos magpositibo noong April 19.

Si Leora ang isa sa 76 na tinamaan ng virus sa Greenleaf Health Campus, tinitirahan niyang assisted living facility sa Elkhart.


“It was sort of a relief. You have to remember, I’ve been through cancer. I had to go to the hospital for five days with rods in my body –- that was not comfortable, but I survived,”- saad ng centenarian sa The Elkhart Truth.


Kuwento ng anak ni Martin na si Marilou Snell, halos asymptomatic naman ang kanyang nanay na nakaranas ng bahagyang kawalan ng ganang kumain at panghihina.

Hindi naman daw magawang bisitahin ng pamilya ang matanda dahil naka-lockdown ang assisted living facility.


“It was a really tough time, but the staff at Greenleaf were wonderful. They updated us with phone calls, text messages with what was going on,”- sani ni Snell.

“It was just very comforting to know that she had health care people around her 24/7. Also, just giving it over to God helped a lot too. He calmed us and said it was in his hands and he took care of it,”- dagdag pa nito.


Ipinagdiwang nina Martin, at ng kanyang kambal na si Delora Bloomingdale na nakatira sa Califronia, ang kanilang kaarawan at paggaling ni Leora sa videoconferencing app na Zoom.

Makikita rin sa Facebook post ng Greenleaf ang hawak na sign ni Martin na may mensaheng: “COVID-19 can’t stop me from turning 100.


Payo naman ng centenarian para sa mahabang buhay, “Keep moving. Also, keep loving other people.”

Opisyal na ring COVID-free ang Greenleaf.

No comments