Mamang nagtitinda na lamang ng lemon upang kumita.Binayaran ng Isang libong Peke!
Minsan kung sino pa ang marangal na naghahanap buhay ay sila pa ang nabibikt!ma ng mga manlolokong taong ito. Sana lamang ay matigil na ang mga ganitong insidente at magkaroon man lang kahit konting konsenya ang mga taong gumagawa ng iba't ibang klaseng panloloko sa kanilang kapwa.
Ibinahagi ng Facebook page na Pilipinas Trending Viral ang isang kawawang manong na nagtitinda ng lemon sa bangketa. Ayon sa post ay nagtitinda ang lalaki sa may Espanya, Manila nang mayroong bumili sa kanya na naka-kotse pa raw.
Hindi man lamang naawa sa nagtitinda lalo na't naghahanap buhay naman siya ng marangal para sa kanyang pamilya. At maaaring kakasimula lang din niyang makabalik at makaahon sa pagtitinda lalo na pa't kaka-lift lamang ng quarantine sa ibang lugar.
Hiling ng mga netizen na sana ay managot ang taong naka-kotse na nanloko kay Manong tindero at makarating ito kay Raffy Tulfo.
Source:Facebook
Saan b nakatira.. Dapat nilagay details ni kuya para pag may gusto tumulong mas madali xa makontak
ReplyDelete