any

Magsasaka, Inani ang tanim nyang Kalabasa upang Ipamigay


Isang magsasaka, inani ang kanyang pananim na kalabasa upang ipamigay sa mga naapektuhan ng Lockdown.

Dahil sa kumakalat ng Pandemya dulot ng COVID-19, halos lahat ay nawalan ng hanapbuhay at wala ring mapapagkunan ng pagkain kaya karamihan ay nag-aantay ng ayuda galing sa Gobyerno.


Ngunit meron paring mga tao na busilak ang puso na handang tumulong sa kapwa sa abot ng kanilang makakaya.

Katulad na lang ng isang magsasakang ito na taga Barangay Baras, Tacurong City, Mindanao na kahit hirap din sa buhay ay nagawa nya pa rin ipamahagi ang kanyang pananim para sa mga residenteng apektado ng lockdown.


Sa pamamagitan ng pag-ani ng pananim ni Mang Victor Agpalsa sa kanyang kalabasa ay malaking tulong ito para sa kanilang mga ka-lugar na mabibigyan nya nito.



Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Manong Victor ang tambak-tambak na bagong pitas at sariwa na bunga ng kalabasa upang ipamahagi sa mga tao.

Ibinahagi din ng isang Facebook fan page na "Tacurong Tambayan" ang naturang larawan ni Manong Victor habang kasama ang tambak na bunga ng kanyang pananim na kalabasa


"Simpleng pagpapahayag ng kabutihan ng isang Tacurongnon. Siya si VICTOR AGPALSA isang simpleng magsasaka sa Barangay Baras, Tacurong City. Sa kabila ng sariling kahirapan bilang magsasaka dahil sa kalamidad ngayon hindi siya nag atubiling ipamahagi sa mga tao ang kanyang munting ani ng kalabasa upang makatulong sa mga nangangailangan."- saad nito.

2 comments:

  1. God bless po sa inyong kabutihan. LA hat nang gingawa nyo nakikita nang Dios ibabalik nya ang kabutihang ginawa nyo

    ReplyDelete