any

Magkasintahan na magpapa-sked ng kasal ng civil wedding, Ikinasal agad ni Mayor



Pinusuan ng mga netizen ang on-the-spot wedding ng magkasintahang Erica Calandria at Ronnie Sagum na pumunta ng munisipyo upang magpa-schedule lamang ng kanilang civil wedding.

Umani ng 9,700 reactions at 3,600 shares sa Facebook ang nakaantig na kuwento na ipinost noong Mayo 30.

Image may contain: one or more people, people sitting and indoor

Kuwento ng dalawa, naunsiyame ang pinaghandaan nilang garden wedding noong Abril 25 dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil mapapaso na ang marriage license sa Hunyo 3, nagdesisyon sina Erica at Ronnie na magkaroon na lamang ng civil wedding. Kaya naman laking gulat ng mag-asawa nang tanungin sila ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer kung nais nilang isagawa ang pag-iisang dibdib sa araw na ‘yon.


Image may contain: one or more people and ring

At sa tulong ng mga tauhan ng alkalde ay nagkaroon din sila ng improvised wedding ring

Dagdag niya, mas importante na si Ronnie ang nakapalitan niya ng I Do kahit simple lamang ang seremonya.

No comments