any

Maaaring i-deport ang mga Chinese na naaresto sa iligal na Ospital - Roque, Bello


Sinabi nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Labor Secretary Silvestre Bello III na maaaring masipa palabas ng bansa ang mga Chinese national na nahuli sa mga illegal health facility.

Ayon kay Harry Roque, naalarma na ang Palasyo sa nagsusulputang mga iligal na medical facility at pharmacy na pinatatakbo ng mga Chinese sa dito sa bansa.

“Naaalarma ang Palasyo diyan. Meron po tayong batas na tanging mga kuwalipikadong mga doktor lamang ang pwedeng mag-practice ng medisina dito,” sabi ni Roque.

“Meron pong pinapataw na pagkakakulong sa mga magpa-practice ng medicine sa mga wala pong lisensya galing sa PRC,” dagdag niya

Sa panig ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi niyang sinumang mahuhuling dayuhan na lumabag sa batas ng Pilipinas ay ang pagpapa-deport ang agarang aksiyon laban dito pero ang Department of Justice pa rin aniya ang may pinal na desisyon tumgkol sa isyu.

“Alam mo when you are caught violating the laws of the country, immediate action diyan is deportation, but only the DOJ can answer that,” sabi niya.

No comments