any

Lucban PNP, Iniimbestigahan dahil sa kanilang "Victim Blaming" sa mga kababaihan



Iniimbistigahan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng Lucban Municipal Police Station dahil sa kanilang victim blaming sa mga babae

Ito ay kasunod ng pagpo-post nila ng isang anti-sexual harassment advisory sa Facebook na umani ng batikos at kritisismo mula sa mga netizen dahil sa tila ‘victim-blaming.’
Nakasaad sa FB post na hinihiling ng Lucban police ang mga kababaihan na huwag magsuot ng maiikling damit upang hindi sila mabastos.

“Mahalin natin ang mga kababaihan at huwag niyo abusuhin ang kanilang kabaitan,”

“Kayo naman mga ghErlsz, huwag kayo magsusuot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsumbong din sa amin. Isipin niyo rin!”


Sinabi naman ni Philippine National Police spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na iimbestigahan nila ang mga sangkot sa naturang FB post

Sa ngayon, burado na ang nasabing Facebook post.

No comments