any

Lolong Nawalan ng Trabaho, Nanlilimos para maibili ng Gatas ang Apo


Lolong nawalan ng trabaho, nanlilimos para magkaroon ng pambili ng gatas ng kanyang apo.

Dahil sa pandemyang kumakalat ngayon, marami sa atin ang nawalan ng pagkakakitaan.

Ayon sa nagpost ng larawan na si Cherryvin Rivera, naantig ang kanyang puso ng makita niya si Lolo na namamalimos at ng tanungin nya ay para raw sa apo nito para maibili nya ng gatas.


Binigyan ni Cherryvin ng pera ang matanda at agad namang bumili ang matanda ngunit kulang ang binigay nyang pera kaya dinagdagan nya ito upang maibili na ng gatas ang apo nito.

Pag-balik ng matanda ay lubos itong nagpasalamat kay Cherryvin dahil meron ng gatas ang kanyang apo.


Ayon raw sa matanda, nawalan sya ng trabaho dahil sa pandemya kaya pinili nya na lang mamalimos para sa kanyang apo.


Marami ang na-inspired sa ginawa ni Lolo kaya agad itong nag-viral.

No comments