any

Kilalanin ang Kauna-Unahang Pinay na naging Piloto ng F-16 Jet ng Elite U.S. Air Force


Isang Pinay ang kauna-unahang Filipina na Piloto ng F-16 Jet ng Elite U.S. Air Force.

Naging isang karangalan na naman para sa mga kababaehan ang natamong tagumpay ni Capt. Monessa Catuncan na kinilala bilang kauna-unahang Filipina F-16 fighter pilot ng Elite U.S. Air Force.



Isang patunay ito na kaya ng mga kababaehan na umangat sa ganitong uri ng propesyun na kadalasan ay mga lalaki lamang ang napaparangalan.Si Catuncan ay lumaki sa Pilipinas, siya ay nanirahan sa Pasay City at Olongapo City. Makalipas ang ilang taon na pananatili sa lugar, napagpasyahan ng kaniyang pamilya na sila ay lumipat sa US.

Noong second year naman si Catuncan sa Mesquite High School Texas ay pinangarap na nitong maging isang astraunot matapos mapanood ang pelikula na ‘Armageddon.’


Ang kaniyang ama naman na si Ramon Catuncan ay pinaliwanag sa kaniya kung gaanong sipag at tiyaga ang kinakailangan niyang gawin bago niya makamtam ang pangarap.

Mayroon ding ilang tao ang nagpapahina sa kaniyang loob ngunit ito ay ginamit ni Catuncan para maging inspirasyon na magsipag at magtiyaga lalo para maabot niya ang kaniyang mga pangarap. Dahil dito, siya ay nakapagtapos ng Valedictorian noong siya ay High School.



Nakuha naman ni Catuncan ang atensyon ng U.S. Coast Guard dahil sa kaniyang nakakamanghang track record. Siya ay naimbitahan na makapasok sa isang helicopter sa Connecticut noong 1999.


Hindi naman pinalampas ng dalaga ang oportunidad na ito, tinanggap niya ito at pumunta sa Connecticut. Ngunit, makalipas lamang ang dalawang linggo matapos niyang matutunan na magpalipad ng isang helicopter, napagtanto niya na nais niya talagang magpalipad ng tunay na eroplano.

Kaya naman nag-aral siya ng aeronautical engineering sa US Air Force Academy sa Colorado Springs. Si Catuncan din ay nakapagtapos ng mayroong flying colors sa Undergraduate Pilot Training.



Kaagad naman siyang inalukan ng trabaho matapos makapagtapos ngunit pinili niyang hasain pa ang kaniyang husay at kakayahan sa pamamagitan ng pagte-training sa Moody Air Force, Laughlin Air Force Base, at Sheppard Air Force Base.

Ang lahat naman ng kaniyang pinaghirapan ay talagang worth it dahil siya ay nagkaroon ng pagkakataon na maging piloto sa F-16 Falcon, o mas kilala sa tawag na Viper.


Siya ay nag-training sa Luke Air Force Base sa Arizona at nakapagtapos muli ng mayroong flying colors, marami ding mga netizens at kaniyang mga guro ang humanga sa kaniyang husay.

Ang nagpamangha pa lalo sa mga tao ay ang katotohanan na siya lamang ang nag-iisang babae sa klase noon, at siya din ang magiging kauna-unahang Pinay sa mga F-16 fighter pilots ng Elite U.S. Air Force.

Kaya naging kamangha-mangha para sa mga netizens ang natamong tagumpay ni Catuncan sa ganitong larangan.

No comments