any

Isang lalaki pinakain ang tatlong bata at nagsalo-salo sa iisang lamesa



Isang lalaki ang nagpakita ng kabutihan sa tatlong bata matapos nya itong ibili ng pagkain at subuan pa ang mga ito.

Nagpakita ng kagandahang loob ang lalaki na ito matapos nyang bigyan ng pagkain ang tatlong bata at nagsalo-salo pa sila sa iisang lamesa.



Makikitang katabi ng lalaki ang pinakabata sa kanila at kanya itong sinusubuan.

Nagtaka pa ang lalaki kung bakit tila hindi inubos ng batang naka-berde na damit ang kanyang pagkain, nang kanyang tanungin, ang sagot ng bata ay ibibigay nya daw sa kanyang ina para matikman din daw nito.



Agad na bumili ulit ang lalaki ng pagkain para sa ina ng bata. Dahil dito maraming Netizen ang naantig sa ginawa ng lalaki.

Sa murang isip ng mga batang ito at sa kanilang kalagayan sa buhay, minsan lang sila makakain ng ganito, at di lang nila iniisip ang kanilang sarili pati na rin ang kanilang magulang.

Ang larawan na ito ay kuha ni Patrisha at ipinost nya sa kanyang Social Media Account at agad naman itong nag-Viral.

2 comments: