any

Isang buntis nanganak ng ligtas sa loob ng Eroplano sa tulong ng Crew ng PAL


Hinangaan at pinuri ng mga netizen ang isang crew ng Philippine Airlines na buong pusong tumulong sa isang pasaherong nanganak sa loob ng eroplano.

Kuwento ng piloto na si Fidel Guzmán Ala, sakay ng pinapalipad niyang PR659 mula Dubai patungong Maynila ang babaeng nagla-labor na pala.

Kaya naman ang kaniyang crew na binubuo nina Capt. Mark Palomares, First Officer Herky Vitug, Purser Daisy Castellano, CA Dino Antigua Karganilla at Cielo Villaluna ang tumayong doktor at nurse para maisilang ng maayos ang isang bouncing baby boy.
Inilarawan ni Ala ang hindi malilimutang yugto ng buhay bilang “most stressful and yet fulfilling experiences” na aniya’y nagsilbing pag-asa sa gitna ng pandemyang kinakaharap ngayon ng mundo.

Sa gitna ng himpapawid ay tinawagan din ng piloto ang ilang doctor upang ligtas na mailabas sa sinapupunan ng ina ang sanggol na pinangalanang baby Ali.

1 comment:

  1. Di ba kahit anong airlines bawal na sumakay ang buntis lalo pat kabuwan nya na,,

    ReplyDelete